katutubong sayaw

Thursday, August 18, 2005

KATUTUBONG SAYAW


Ang katutubong sayaw ay ang pagpapahayag ng iba’t-ibang saloobin at damdamin. Ito’y isang uri ng pagpapakita ng matinding kaligayahan at kung minsan ay pakikipaglaban. Gumagawa ang mga tao ng iba’t-ibang galaw at direksyon ng katawan gaya ng pagkilos ng kamay at mga paa. Sa pagsasayaw ay nakakadama tayo ng kaginhawaan at narerelaks ang buong katawan. Hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin nawawala ang tradisyong kinagisnan. May mga halimbawa ng katutubong sayaw na nagmula pa sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas kabilang dito ay ang La Jota(Ilocano), Escala(Visayan), Daling-Daling (Muslim), Balitaw(Tagalog), Dugso(Bukidnon) at iba pa.

Maria Norliza L. Lubiano

Wednesday, August 17, 2005

LA JOTA

Ito ay isang sayaw pandiriwang na popular sa Pilipinas at nanggaling sa Panay, Ilocos Norte. Ang mga matatanda sa Paoay, lalong-lalo na ang mga kababaihan ay nahihilig sa pagsasayaw nito. Sa mga espesyal na okasyon katulad ng Guling-Guling (Eve of Ash Wednesday), Tambora (Eve of Christmas) at ang kapistahan ni Sta. Maria at Sta. Rosa kung saan ang mga matatanda ay nagsusuot ng magagarang damit sa pagsasayaw. Kung wala ng lalaking magsasayaw sa babae, pwedeng dalawang babae ang magiging magkapareha.
La Jota ay pwedeng sayawin sa kasalan at binyagan at iba’t-ibang sosyal na pagtitipon.

KASUOTAN

Mananayaw- nagsusuot ng mga damit na kumakatawan sa mga magsasakang Ilokano.

Maria Norliza L. Lubiano Blk 2-A
ESCALA

Ang pangmag-asawang sayaw na ito ay nagmula sa Misamis Occidental. Ito ay ipinakilala ng mga Boholanos na naglikha ng malaking kontribusyon sa lugar.
Walang tiyak na direksyon ang pagsasayaw, ito’y naayon lamang sa abilidad, kalooban at mabuitng pagpapasya ng sumasayaw.
Ito’y kadalasang sinasayaw sa kasalan pagkatapos ng seremonya. Ang unang magsasayaw ay ang babae at lalaking ikinasal susundan ng mga kasamahan. Bago sila magsisimulang magsayaw bibigyan muna ng lalaki ang babae ng isang baso ng wine sabay tawag sa kanyang pangalan. Ang babae ay ganon din ang gagawin. Pagkatapos nilang magsayaw, bibigyan ng lalaki ng isang baso ng inumin ang mga magulang ng babae na nakaluhod sabay tawag ng Nay at Tay (Ma o Pa). Ang babae naman ay sa mga magulang ng lalaki.
Ang pangatlong pagsasayaw ay ang ina ng babae at ama ng lalaki at ang panghuli ay ang ina ng lalaki at ama ng babae. Lahat sila ay magsasayaw ng kanya- kanyang pamamaraan.

KASUOTAN

Babae- nakasuot ng mataas na saya, camisa at pañuelo katulad ng kay Maria Clara
Lalaki- nakasuot ng barong tagalong o camisa de chino at puting salawal

Maria Norliza L. Lubiano Blk 2-A
DALING-DALING

Daling-Daling ay isang sayaw panliligaw na galing sa Jolo, Sulu. Ito ay isang popular na sayaw ng mga kabataan. Ang salitang daling ay nangangahulugang “Aking Mahal”. Ang pangalan ng sayaw ay “Aking Mahal, Aking Mahal”.
Ang mga mananayaw ay kumakanta habang sumasayaw o ang mga manonood ang siyang kumakanta sa halip na mananayaw. Ang sayaw na ito ay nagpapakita kung gaano pinahahalagahan ng dalawang magkasintahan ang isa’t-isa. Ang lalaki ay nagsabi sa babae na kung ito’y mapalayo sa kanya ay walang kapayapaan na natatamo. Ang babae naman ay nagwika na kahit nasa iba’t-ibang isla sila ay hindi pa rin magbabago ang kanyang nararamdaman.

KASUOTAN

Babae- nagsususot ng Joloana na damit at may pamaypay na hawak pati na rin ang lalaki.

Maria Norliza L. Lubiano Blk 2-A
BALITAW

Ang Balitaw ay isang pamimitagang sayaw na laganap sa maraming lugar sa Pilipinas, lalong-lalo na sa Tagalog at Visayas. Ang Balitaw ay galing sa salitang “balita” at “raw”. Balita na nangangahulagang “news” sa Ingles at raw o “it is said”, kaya ito’y “bulung-bulungan ng mga tao”.
Sa mga Visayan, ang mga mananayaw ay kumakanta, samantalang sa Tagaog ay hindi. Ang mga mananayaw ay hindi nagsasalita o walang boses na maririnig at sila’y gumagamit ng bulaklak na nagpapakita ng kanilang emosyon at damdamin. Ang babae ay nagbibigay ng bulaklak sa lalaki na nangangahulugan ng pagtanggap bilang kanyang mangingibig.
Ang katutubong sayaw na ito ay napaka popular sa mga kabataan ng Rehiyong Tagalog.

KASUOTAN

Babae- nagsusuot ng balintawak
-may dalang rose o kahit anong bulaklak na nakadikit sa kaliwang bahagi ng
dibdib.
Lalaki- Nagsusuot ng barong tagalog at puting salawal.

Jeil Alquizar Blk 2-A

Monday, August 15, 2005

B'Lit Bilaan
Ang b'lit bilaan ay isang sayaw ng mga manobo.Ito nag papahiwatig sa kanilang mga nalalaman sa kanilang pang-araw-araw na ginagawa.Nalaman nila kung paano gamitin ang mga mga papagandang kagamitan at alam na nila ang pangliligaw kaya nagawa nila ana sayaw na ito.
Ang mga kasuotan nila ang manobo dress tulad ng mga skirt,patadyong,pants at iba pa.
Kahit iba na ang panahon ngayon di ko pa rin na lilimutan ang sayaw na ito alam ko pa rin ito.-Ongob,Ricardo Jr.Block 2-A-
DUGSO


Sa Bukidnon,ang dugso nangangahulugan na "SAYAW".Ang dugso ay isang seremonyal na sayaw na kadalasan ay tinatanghal tuwing may malaking pista o kaliga o kaya'y pasasalamat sa magandang ani. Minsan, ito ay tinatanghal sa matagumpay na pangako o pasasalamat sa pabor na naibigay ng maykapal.
Isa rin ito sa mga sayaw na may magandang kasuotan at naging kilala dahil sa ganda ng mga galaw at tugtugin. Ito ay sinasayaw na may apoy sa gitna ng
nagasasayaw.

Rikka Nova Cedeño